Masigasig Award

Masigasig Award

Sa aming nakaraang Kopon meeting ay napili naming bigyan ng parangal ang aming dalawang guards na sina S/G Tomas at S/D Caballero ng Masigasig Award. Dahil na rin sa nakitaan namin sila ng dedikasyon sa kanilang trabaho, gawa nang sila ay aming pinagpalit ng posisyon. Noong matanggap nila ito ay binigyan namin sila ng pagkakataon magsalita. Nagulat kami dahil naiyak sila sa aming binigay na certificate. Ayon sa kanila, sa tagal daw nila bilang guard at sa mga napasukan nilang trabaho ay sa Pandayan lamang daw sila nakatanggap ng certificate. Nakaka-proud ang ganitong pagkakataon bilang isang kapwa na makapagbigay inspirasyon kami sa kanilang mga buhay.